Our Song "Sama-sama"

Kayo ang una sa aming puso, ano mang dinadama
Kami ay naririto
Kayo ang bida sa tahanang ito, di kayo mag-iisa
Kami ay kasama n'yo

Refrain
Kaya wag nang mangamba sa kirot na dinadala
Mabigat o kinakaya, alay ay pangangalaga

Chorus
Sama-sama nating abutin, sama-sama nating buuin
Liksi at tatag, tibay at lakas
Harapin natin ang malusog na bukas
Sama-sama tayong lumakbay
Patungo sa masigla't maunlad a buhay
llaw sa karimlan, kaakbay sa kalusugan
Sa Metro Pacific Health kasabay na makamtan

Kayo ang himig sa awit na ito
Nagbibigay ngiti sa nakikinig nito
Kayo ang init kahit pa man bumabagyo
May dalang pag-asa at lakas na totoo

Manatiling matatag, pagtibayin ang loob
Sa lumbay man o ligaya, tagumpay ay maaabot

Repeat Chorus
Ang pag-ibig na di magbabago
At alaga ng pusong Pilipino, Pilipino

Repeat Chorus
Sa Metro Pacific Health (magpakailanman)
Kasabay na makamtan.